Entry: pagkat may nawawala, may magbabalik Aug 11, 2005



my turn, everyone!hayi....   


***

sa gulod ng malamyos na hangin,
namamahay ang isang panaginip.
sinasamyo ang alulod ng tagumpay,
ng mapagkunwaring bukas.

masarap ang bumalik,
sa piling ng buhay.
sapagkat mahirap kumawala,
sa nakasanayang duyan.

sa nawawalang kakarampot na kaluluwa,
malaya ang paglalayag.
at sa pagdating ng umaga
sasayaw sa mata ng ulap.

ito ang katotohanan.
malayo sa indak ng pagkakahimbing.
nagpapakiwari lamang..
nagbabalik din
ang minsa'y nanaginip,
nahimbing sa tulirong ngayon.

at siya'y papunta na..
sa malayang siya...
nanoo'y nawala.

   1 comments

czar
August 26, 2005   12:02 PM PDT
 
nice. i like this one

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments